I. LAYUNIN
Inaasahan na;
·
Masunod ang sumusunod na mga hakbang upang makagawa ng cookies.
·
Makagawa ng masarap na cookies
·
Makapahayag ng lugod na kasiyahan dahil sa paggawa ng
cookies.
II. MGA KAGAMITAN AT
SANGKAP
a. Mga Kagamitan
·
Malaking mangkok
·
Wire whisk
·
Spatula
·
Maliit na kaserola
·
Panukat na tasa
·
Panukat na kutsara
·
Baking tray
·
Ice cream scoop
·
Wax paper/parchment paper
·
Oven
b. Mga Sangkap
·
½ tasa ng butter o isang stick
·
½ tasa kayumangging asukal
·
½ tasa puting asukal
·
1 itlog
·
1 kutsarita ng vanilla extract
·
½ kutsarita asin
·
½ kutsarita baking soda
·
1 1/3 tasa All-Purpose Flour o harina
·
1 tasa chocolate chips
III. MGA HAKBANG
1. Sa maliit na
caserola, tunawin ang butter. Antayin na maging medyo kulay kayumanggi ito.
2. Pagkatapos
tunawin, ibuhos ito sa malaking mangkok at antayin na lumamig ng konti. Pag ito
ay malamig na, ilagay ang puti at kayumangging asukal. Ihalo ito ng Mabuti.
3. Kapag nahalo na
ito ng mabuti, ilagay ang itlog, asin, at baking soda. Ihalo ito ng mabuti hanggang
maging makapal na o di kaya ay para nang laso ang hinahalo.
4. Pagkatapos ay ilagay
sa hinahalo ang harina at chocolate chips at ihalo ito ng mabuti.
5. Pag nakahalo na
ito ng mabuti, ilagay ang hinalo o a dough sa repridyerator ng 15 minutos.
6. Pagkatapos ng 15
minutos, e pre-heat o pansamantalang painitin ang oven sa 350° F.
7. Habang umiinit
ang oven, kunin ang baking tray at gumipit ng tamang laki na parchment paper at
ilagay ito sa tray.
8. Kumuha ng tamang
dami ng parte ng dough at bilog-bilogin ito o di kaya gumamit ng ice cream
scooper upang pareho ang timbang ng bawat ng bilog.
9. Pagkatapos mag
bilog-bilog sa dough, ilagay ito sa baking tray na may parchment paper na may
tamang layo sa bawat isa.
10. Ilagay ang tray
sa oven at i-bake ito ng 12 minutos.
11. Pagkatapos ng 12
minutos, ilabas ito sa oven at antayin na ito ay lumamig bago tanggalin sa
tray.
12. Ihanda o ihain
ang cookies at mag enjoy.
IV. KONKLUSYON/EBALWASYON
Tunay na masarap
talaga ang cookies kung ito ay nakasunod talaga sa resipi.
Kung ang iyong
cookies ay hindi nagtagumpay, maaring isa sa mga dito ang dahilan:
·
Kung ang cookies ay napaka lambot, maaring dahil sa
butter. Tandaang dapat medyo malamig na ang butter bago ilagay ang mga asukal. Dahil
kung mainit pa itong ilalagay, matutunaw ang asukal na magreresulta ng napaka
lambot na cookies.
·
Kung medyo malambot pa ang iyong cookies, ilagay ito ulit
sa oven sa kragdagang 3 minutos.
·
Kung napakatigas ang iyong cookies, maaring na sobrahan
ito sa pagluto o di kaya’y nasobrahan ang iyong harina at nakulangan ang iyong
baking soda.

Comments
Post a Comment